Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH
Blog EntrySep 4, '08 6:29 AM
for everyone
Isang katibayan na hindi na dapat binabalikan ang nakaraan. Past is past ika nga. Ang nakaraan ay nakalipas na. Ang pagkakamali noon ay dapat ituwid at tuluyan nang talikuran. Sadyang may mga bagay, tao, o sitwasyon na nagbabago. Ang importante ay natuto ka at naayos mo ang iyong kinabukasan.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

(i-click ang larawan upang makita ang mas malaking imahe)


Salamat sa ipinagbabawal na pampatabang gamot na Ling Zhi at sa aking trabaho sa pagpapalusog sa akin. Salamat rin sa "panahon" sa pagtuturo sa akin ng kahit papaano ay matinong pananamit. At salamat sa aming mga kasintahan sapagkat nang dahil sa kanila ay hindi kami tuluyang naligaw ng "landas". (Biro lamang yun, wag seryosohin.)






Blog EntryJul 27, '08 11:12 PM
for everyone

You're Going to Have to Do Something Different
By
Casey E

At one time or another, you've probably had dreams about how you wanted your life to be. Perhaps you've wondered why others make achieving goals look so easy, while attempt you make at something seems to end in failure. Eventually, you may just give up because it's too hard trying to change your circumstances.

You may chalk it up to some people are just lucky in life and you're not one of those people. You may spend the rest of your life dreaming about achieving the goals you want, while other people are busy creating their dream life. So what's the difference between achieving goals and spending your whole life only dreaming about them?

The difference always and only comes down to desire. Achieving goals has nothing to do with where you've come from or where you currently are; it has to do with how bad you want it. If you want it bad enough and make the choice to do whatever it takes to get where you want to be, goals can and will be achieved. That doesn't always mean it's easy to get there, but it is only as difficult as you allow it to be.

Most of us don't believe achieving our goals is possible because we don't know how to get from where we are to where we want to be. Here's a little secret: you don't have to have a master plan, you only have to have a goal and desire. Most of us spend our entire lives only dreaming about achieving our goals because our desire doesn't outweigh our complacency. We take the path of least resistance, which usually means settling for where we are and find a way to be happy with less than what we want. It is common for most to assume it is more difficult to achieve goals than it is to settle for what we currently have. This is exactly what happens when we don't want it bad enough - everything seems impossible.

However, when we want it bad enough, the steps that must be taken in order to achieve goals simply become a series of choices. There are no struggles or challenges - only choices. It is easy to let go of the things that are holding you back when your level of desire is stronger than the complacency to stay where you are. The moment the decision is made to let go of the things that are holding you back from achieving your goals, the journey becomes much easier.

Try this exercise. Think about something you really want. Maybe you want a better job, improved health or a million dollars in the bank. Whatever it is, make sure it's something you really want. Close your eyes for a moment and imagine living in the moment of your achievements. How do you feel? Excited? Happy? Grateful? Can you imagine yourself surrounded by friends, family and loved ones as they cheer you on? Picture yourself getting pats on the back, big hugs and handshakes from people you love....feels good, doesn't it?

Life is not about settling for less than you deserve - it is actually the opposite. Life is about identifying what you want, finding your desire and committing to the choices that will get you there. Anything is possible and you have the power to create whatever it is you desire. Achieving goals is not dependent on your age, culture, geographic location or background - they are only dependent on your level of desire.

Here's how you can get started - right now. Make a list of goals you would like to achieve. Start with the goals that carry the highest level of desire and put them at the top of your list. Even if your most desired goals seem out of reach, rest assured they are closer than you think.

Break them down into smaller steps that can be achieved day by day, week by week and month by month. Breaking them down into smaller pieces helps them to be more manageable and easier to believe they can be achieved. Organize your day with those goals in mind and remember that every step you take between now and then counts.

Choose your actions wisely and realize each step you take either supports your goals or sabotages them. If the process seems overwhelming, just start where you are. Don't worry about the past - what's done is done. Focus on the future, put one foot in front of the other and just start walking - metaphorically speaking.

Is it scary? Of course, but fear is no reason to stay in a life you don't even like. It's a lot easier to get going when you realize that where you are right now, isn't even where you want to be. You can't get what you really want and stay in the same place where you've been stuck for so long.

There's a saying that sums it up nicely, "If you do what you've always done, you'll get what you've always gotten." If you want something different, you're going to have to do something different.


This article was written by Casey Emerson and can be viewed at http://hubpages.com/hub/If-You-Want-Something-Different


Blog EntryMay 16, '08 3:29 AM
for everyone
This is a super late post dahil last Sunday pa kaya ang Mother's Day.

Anyways, since I knew that I will be spending Mother's Day in Palawan and will never get the chance to greet my mom in person on that day, I arranged my gifts for my mom in advance. I gave her a white picture frame with our photo in it, along with my other kikay gifts (kikay on the inside din po kasi ang nanay ko). I put it in a fancy paper bag (para todo kikay effect na), and hid it inside my cabinet. On Mother's day, I sent a text message to my mom to tell her to get the paper bag at my cabinet. Here's her reply:

"Eto bang may design na puso?"
"Thank you very much! puro pampaganda ah.."

Hehe. Anyways, here's the simple photo that I gave my mom. (Please click the picture for larger view).


My dear Mom, you will always, always be beautiful in my eyes...


Blog EntryApr 24, '08 6:54 AM
for everyone
Parte na ng pang-araw araw na buhay ko ang pagbisita sa blog ni chillidobo. Hindi kumpleto ang aking araw kapag hindi ko nasisilayan ang kanyang pahina. At sa tuwing makikita ko ang kanyang litrato, lagi kong naiisip na kamukha nya si marvin agustin na nilagyan ng dalawang donut ang mukha.

Ngunit isang ordinaryong araw, nang puntahan ang ang kanyang pahina, ang mga katagang ito ang tumambad sa aking mga mata:Kinabahan ako bigla. Ni-refresh ang screen, nagbabakasakaling hindi lang na-load ng maayos ang pahina. Ngunit wala! Isinara ko ang window at muli ay tinangkang buksan ang kanyang pahina.... Wala pa rin! Pumunta ako sa blog nina Maldito, ni jon cabron, at kung saan saan pa ako nakarating para lamang makibalita kung anong nangyari kay chilli. Wala akong nakuhang impormasyon. Nang mapagod ay inilagay ko nalang sa status ng aking YM ang mga katagang ito sa pagbabaka-sakaling mayroon sa mga YM friends ko ang sumusubaybay din sa kanya.

Ilang araw ding nanatili ang aking panawagan. Ngunit wala ni isa ang sumagot sa aking katanungan.

Nang dumating ang araw ng Huwebes ng linggong iyon, hindi ko na napigilan ang aking pangungulila. Nasaan na ba si chilli???? Anong nangyari sa blog nya??? Tuluyan na kaya syang naibenta ni maldito?

Kaya tinungo ko si pareng Google at pinilit humanap ng blog na makapagsasabi kung nasan na si chilli.

Umabot ako sa ikatlong pahina. At doon, sa pahina ni gasti ay aking natagpuan ang sagot sa aking katanungan. Isang sulat ang kanyang iniwan para sa kanyang mga tagasubaybay. Totoo pa lang binura na ni chilli ang kanyang blog. Tuluyan na syang sumakabilang-ulam. Iniwan na nya ang mundo ng blogosphere sa kung ano mang kadahilanang ayaw nyang ipaalam.

Nakaramdaman ako ng kalungkutan. Naramdaman ko ang aking mga matang unti-unti humahapdi. Ang puso ko'y naghihinagpis at sumisigaw ----- Chilliiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii...... Bakit mo kami iniwan!!!!!!! <-utot>

Hindi man lang ako nakapag-iwan ng comment sa blog nya. Hindi ko man lang naiparating kung gaano ako napapasaya ng mga kwela nyang istorya. Hindi ko man lang naipaalam sa kanya na kinikilig din ako sa mga kwento nya tungkol kay Maria, at umaasang balang araw ay masabi rin nya ang kanyang lihim na pag-ibig. At hindi ko man lang nasabing "Chilli... Idol kita."

Masakit mang isipin ngunit nabawasan na ang mga babasahin kong blogs. Ngunit Chilli, kailangan kong mag-move on. Nawa'y makakita pa ako ng blogger na sing-husay mong magsulat. Sana'y magkaroon pa muli ako ng pagkakataon na makabasa ng iyong katha. Kung hindi ngayon, nawa'y sa susunod na panahon.

Chillidobo, mananatili ka sa aking alaala. Salamat at kahit papaano'y naibahagi mo sa amin ang iyong talento. Hanggang sa muli, mabuhay ka Chilli!



Ang kathang ito ay alay ko sa isa sa pinakamahusay na blogger na nakilala ko (hindi po in-person). Note: Buhay po ang blogger na si Chilli. Tinigil nya lang "pansamantala" (sana) ang kanyang pagsusulat.

Blog EntryFeb 11, '08 6:54 AM
for everyone
Oh my gosh, I certainly cannot believe this. This is probably the biggest and grandest opportunity I have taken in my entire life.

This is so unexpected!

Ladies and gentlemen, brace yourselves as you begin to see the hottest and probably the biggest-selling cover girls of 2008....







(drum rolls........................)







jaraaaaaaaaaaaaaaannnnn.....








The Philippines' Vilma Santos and Nora Aunor of the New Generation








Endagered wild specie featured in the National Geographic Magazine





The sexy and alluring goddess discovered at the white beach of Boracay









Hurry! Get your copies now at your favorite suking tindahan.

























































Blog EntryJan 29, '08 4:37 AM
for everyone
Isang araw, habang ako ay nagblo-blog nasa office, biglang may dumating na mensahe mula kay nelda:

naldo: pnta daw si sandra d2
jho Salvador: bakit daw?
naldo: gus2 mo cheetos?
naldo: ang anghang
naldo: wala dadalaw lang
jho Salvador: no thanks
jho Salvador: sakit tyan e

Abalang-abala ako sa pagbabasa ng blogs tutorials nang bigla akong bulabugin ng babaitang ito:

Nagmamaganda ang lola kaya nagpapicture pa sa reception ng office namin.

At hindi pa nakuntento, nagpapiktyur pa sa  artista...


At sa P.A. ng artista


Hindi ko mawari kung bakit kay hilig magpalitrato ng babaitang ito sa amin. Nalaman nalang namin ang tunay na dahilan ng aming matuklasan ang tinatago nyang pagnanasa:


Hindi namin inakala na ganito na pala kalala ang sakit nya!


Kaya kami ay nagulat


At dahil sa hindi nya ipinagtapat agad sa amin ang kanyang kondisyon, kami ay dagling nagalit


Galit na galit talaga c nelda

Ngunit dahil sa kami naman ay magkakaibigan, napagtanto namin na hindi nya kasalanan na magkaroon ng ganung uri ng karamdaman. Kaya kami ay nalungkot para sa kanya


Pasikreto kaming nag-isip ng solusyon upang malunasan ang kanyang kabaklaan


At sa huli ay napagdesisyunan naming hayaan na lamang sya sa kanyang napiling disposiyon. Kunsabagay ano nga namang masama?

Kinumbinse nya kami na subukang tahakin din ang kanyang landas. Sinubukan naman namin

Aba, masaya palang talaga!

Sa huli ay nanatili pa rin ang aming pagkakaibigan. Iba pa rin talaga kapag mga kaparehong likaw ng bituka ang mga kasa-kasama mo. Sa hirap man o ginhawa, sa kasiyahan at kalungkutan, sa katinuan at kaabnormalan


may mga tunay kang kaibigang maaasahan...

Salamat Nelda at Sandra...





Blog EntryNov 17, '07 5:19 AM
for everyone
There is one, just one aspect of my life right now that is making me worried and depressed. I know that most are people are going through their own battles, and struggling to overcome their problems. And sometimes, you can't understand why certain things have to happen to you. You might ask: "Did I do something wrong?", "Is God punishing me?", "Has God abandoned me?". But if you care to take a closer look at the lives of other people, you will clearly see that you're not the only one who is going through times of confusion. Other people might be having problems bigger than yours.

So you just have to keep your faith in God. He has plans for you. And he will never leave you. Everything that happens to us have a reason. Whatever it is, know that God uses every single problem in our life to test us and to transform us into a better person.

If it still doesn't work for you.. remember how God gave His only son just to save you.

Ok, I know I'm sounding spiritual now.. But sometimes, you just have to recall the things that you already knew. It just might be the answer to your problems. Or at least, it can help lighten up your burden.

Here's the song that inspired me to write this blog. Trust His Heart. A very inspiring song for confused people like me..

Trust His Heart
Words and Music by Eddie Carswell & Babbie Mason

All things work for our good
Though sometimes we don’t see how they could
Struggles that break our hearts in two
Sometimes blind us to the truth
Our Father knows what’s best for us
His ways are not our own
So when your pathway grows dim and you just can’t see Him
Remember you’re never alone

God is too wise to be mistaken
God is too good to be unkind
So when you don’t understand
When you don’t see His plan
When you can’t trace His hand
Trust His heart

He sees the master plan
He holds our future in His hand
So don’t live as those who have no hope
All our hope is found in Him
We see the present clearly
But He sees the first and the last
And like a tapestry He’s weaving you and me
To someday be just like Him

He alone is faithful and true
He alone knows what is best for you


Blog EntryAug 24, '07 5:21 PM
for everyone
Nakakadalawang linggo pa lang ako dito pero boy o boy.. namimiss ko na talaga ang pinanggalingan ko. Kaya eto, naggawa ako ng listahan ng mga bagay na namimiss ko:

1. Namimiss ko ang hipon na luto ni mommy
Paminsan minsan, kapag sinipag maglakad, ay nagpupunta kami sa mga restaurant na malapit d2 upang kumain. Nakapunta na kami sa dalawang magkaibang Chinese restaurant at isang Italian restaurant na malapit dito. Sa tatlong kainan na yan, puro hipon ang inorder ko, umaasang kahit papaano, ay may makakatikim ako ng pagkaing malasa dito. Pero kahit anong luto pa ng hipon ang orderin ko, wala pa ring tatalo sa hipon na luto ng mommy ko. Simple lang naman magluto ng hipon c mommy. Halabos ang tawag sa luto nya. Oyster sauce, itlog, harina, paminta at konting asin - ayus na. Nasusukat ko kung gaano kasarap ang isang pagkain sa kung gaano ako nagiging masaya kapag kinakain ko ito. At gaano ba ako kasaya kapag kumakain ako ng hipon na luto ni mommy? Pagkasaya-saya! Wari'y ako na ang pinakamasayang tao sa sandaling iyon.

2. Namimiss ko c Jopay
Hindi si Jopay ng sexbomb. Jopay ang pangalan ng aso namin. Sa tuwing dadating ako sa bahay ay nagkukumawag at nagpupumilit kumawala sa pagkakatali para lamang sumalubong sa akin. Nagagalit naman sya sa tuwing makikita si wally. Ewan ko ba sa asong yun, halos araw araw naman nasa bahay si wally pero hanggang ngaun hindi pa rin nya kilala. Namimiss ko rin na tuwing umaga ay may naglalambing na aso sakin paggising ko. Namimiss ko ang asong naming umiiyak kapag konti lang ang tao sa bahay. Makilala pa kaya ako ng aso namin kapag bumalik ako?

3. Namimiss kong kumain ng sinigang, nilaga, menudo at mechado
Malapit na akong tubuan ng pakpak at kaliskis dito. Araw araw ay manok isda manok isda manok isda manok isda.. (need i say more?) ang kinakain namin sa canteen. Iba't ibang putahe pero pare-pareho ng lasa. At lahat ay prito, karaniwan ay nuggets. Buti na lamang at kasama namin sa apartment si kalai kaya nakatikim ako ng adobong manok at sarsyadong tilapia. Oo, manok at isda pa rin, pero at least hindi dry. Yun na yata ang pinakamasarap na luto na natikman ko sa buong stay ko dito.

4. Namimiss kong magtoothbrush sa tanghali pagkatapos kumain
Pagkaganda-ganda ng CR nila d2. Sosyal, mabango, accessible at "convenient". Pero namimiss ko pa rin ang pagtutubrush namin ng sabay ni nelda. At syempre, kasama na dun ang kwentuhan at dramahan habang nagtutubrush (kahit puno na ng bula ng toothpaste ang bibig namin, tuloy pa rin! ). Namimiss ko rin ang tsismisan at kamustahan ng lovelife sa loob ng CR. Actually, marami ka talagang mapupulot na impormasyon sa CR. Mula sa mga kwento ng buhay buhay, mga current issues, hanggang sa mga tips o paraan kung paano magpapayat/magpataba, paano magpaliit ng tyan, at kung anu ano pa.

5. Namimiss ko ang morning rush
Isa sa mga nakapagpapaganda ng umaga ko ay ang morning show nila Chico at Delamar na "Morning Rush". Karaniwan mo akong maririnig sa loob ng kwarto ko sa umaga na tumatawa ng mag-isa habang nakikinig sa kanilang programa. Ang paborito kong segment ay ang "Top (Hot) Ten". Namimiss ko ang mga kalokohan ni Chico, ang pagiging bi-a-tch ni Del, ang pagiging mali-mali ni Chico, ang pagiging drama queen ni Del at ang pagiging opinionated nilang dalawa. Namimiss ko ang mga sleazy entries ng mga listeners at kung paano nila pilit na ginagawang General Patronage ang show nila.

At ang pinakanamimiss ko......

6. Namimiss ko si Wally
Haaayy... sya talaga ang pinakanamimiss ko. Namimiss ko ang may sumusundo sa akin pag gabi. Namimiss ko ang may umaakbay at kumukurot-kurot ng bilbil ko. Namimiss kong kumain ng french fries at smoothies kasama sya. Namimiss ko ang paghihintay sa gabi habang inaanticipate and pagdating nya sa Orient Square. Namimiss ko ang balikat nyang lagi kong sinasandalan, at ang kamay nyang laging nakahawak sa aking kamay. Lalo ko syang namimiss kapag nakakakita ako ng romantic spot dito, secretly wishing na sana'y kasama ko sya sa mga sandaling yun.

Haayy.. nakakamiss talaga ang comfort zone.. Ewan ko ba kung bakit ang bilis kong mahomesick samantalang ang iba naman ay hindi. Hindi talaga ako sanay na nalalayo sa mga mahal ko.

Pero sabi nga sa isang website na nabisita ko:
"Remember that there's a good side to homesickness, too: It means you have family and friends worth missing and a place you want to return to when your adventure away from home is over."

The best thing about this trip is the realization of how much God has blessed me in every aspect of my life. My family, my friends, my workmates, my career and my "love". I miss them so much. I still have them. But I'd be happier if I could spend my days close to them.

Makakauwi rin ako, sandali lang naman to. Konting tiis nalang..

Blog EntryAug 18, '07 11:38 AM
for everyone

Ayan, sa wakas narating na rin namin ang mediterranean sea. Click here for more pictures.

Blog EntryAug 18, '07 3:51 AM
for everyone
Ok, I know that these are random facts about me, but im not sure if these are insane. Try ko nalang, bahala na kau kung maweweirduhan kayo o hindi.

1. I love reading Psychology books.
Usually, ang mga programmer ay mahilig magbasa either ng computer books (for geeks), or novels. But me, I prefer psychology books. May pagka-krung-krung kc ako kung minsan. At may mga panahon na hindi ko naintindihan ang sarili ko. So to get to know myself better, and to improve my way of thinking, I read psychology and self-help books. Some of my favorites are "The Road Less Travelled" by M. Scott Peck, "Being Happy" and "Follow Your Heart" by Andrew Matthews, "How to Find Your OTL" by Bo Sanchez (lolz! self-help book yan).. and currently reading "Understanding Human Nature" by Alfred Adler.

2. Hindi ako makatulog ng matino kapag may katabi ako sa kama.
Hehehe, kahit sino pa yan, close friend, family member, kahit nga mga pamangkin ko. Hindi talaga ako sanay. Eversince I was a child, I never shared bed with anyone. Unica hija kc ako, kaya hindi ako pwede tumabi sa mga kapatid ko, at syempre, hindi rin naman ako pwedeng makigulo sa higaan nila mommy at daddy. Kaya pahirapan talaga sa pagtulog pag meron akong bisita sa bahay. I can share my room, but not my bed.

3. Kelangan ko ng 2 1/2 hours na preparation time bago ako umalis ng bahay.
30 - 45 - 60 minutes sa CR. 1 hour para mag-ayos at magbihis. The remaining time para kumain at magtoothbrush. Bukod sa mabagal talaga akong kumilos, panhik-panaog pa ako sa bahay tuwing umaga. Ska ayokong nagmamadali. Feeling ko nadedeprive ako pag nagmamadali ako. I want it easy and relaxed. Buti nalang flexi-time kami sa office kundi yari ako.

4. When it comes to fried dishes, I always want it toasted.
Or in Erik's term, "well done" daw, hindi daw toasted. Ok fine, kahit ano pang tawag jan. Whether its hotdog, egg, ham, luncheon meat, breaded pork, fish, torta.. kahit ano pa yan, gusto ko lagi sunog (hindi naman ung tipong kulay itim na). Kaya pag ako ang nag-prito, expect nyo na kung anong itsura ng dish na ihahain ko. I fry it my way, hehe.

5. Mahilig ako sa rock, rap at heavy metal.
I like the music of Metallica, LimpBizkit, Wolfgang, Rage Against the Machine, Disturbed, Linkin Park, Crazy Town, Kid Rock, etc. Nung college at high school ako, halos kabisado ko ang mga kanta nila. Ngayon hindi na masyado. Sound therapy ko dati ang music ng Rage Against the Machine. Kaya kong ding i-rap dati ang mga kanta ng LimpBizkit. Since that's the kind of music that my brother often listen to in the sala, I had no choice but to hear it. Nagustuhan ko din naman sa kalaunan.

6. Dati akong...
- officer ng CAT nung high school....
Sa hinhin kong ito, sinong mag-aakala na dati akong officer sa CAT? Actually, mas gusto ko talagang mag-take ng cosmetology instead of CAT kaso wala namang cosmetology sa school namin. At dahil halos lahat ng classmates ko ay nag-join, e di join na rin ang lola nu.
- miyembro ng theater arts sa isang org noong college....
Maarte ako.. Ang ibig kong sabihin, mahilig akong umarte sa entablado. I was a former member of the SONs Theatre. This may be one of the most fulfilling phase of my life, since I was able to showcase my one and only talent - to act. I'm so glad to have been given lead and challenging roles during my stay in that org. Sayang nga lang, kelangan ko mag-lie-low dahil kelangan kong magfocus sa study ko.



For those I tagged: Each player starts with 8 random facts/habits about themselves. People who are tagged need to write on their own blog about their eight things, as well as these rules. At the end of your blog, you need to choose 8 people to get tagged and list their names. Don't forget to leave them a comment telling them that they have been tagged and to read your blog!

Blog EntryAug 17, '07 11:30 PM
for everyone
Ang larawang ito ay kuha mula sa bintana ng tinutuluyan naming apartment sa Tel Aviv. Ang dagat na yan ang Mediterranean Sea. Maniniwala ka bang isang linggo na ako d2 sa Tel Aviv, at ang beach na yan ay ilang hakbang lang mula d2, pero hanggang ngaun ay hindi pa ako nakakapagswimming sa dagat na yan? Ni hindi ko pa natatapakan kahit man lang ang buhangin sa gilid ng dagat. Haayy.. sana bukas ay makapunta na talaga kami jan. Sana ay magising kami ng maaga dahil masyado ng nagiging crowded ang beach pagdating ng katanghalian. Sana ay makagala naman kami sa Jerusalem at Old Jaffa. Pero higit sa lahat ng sana, sana ay magawa ko ng maayos ang task na inassign sa akin d2 (o dba, wala na sa topic?).

Blog EntryAug 11, '07 1:00 PM
for everyone
August 11, 2007. Saturday. Isang araw mula ng dumating kami d2 sa Israel. Sobrang lungkot ko ng panahon na to. Paano ba naman, wala akong load, walang battery ang celphone ko, wala ring battery ang laptop ko. Wala akong means of communication kay wally at sa family ko. Sa sobrang pagka-homesick napagawa tuloy ako ng sulat sa ham ko, pero sa notebook ko lang nilagay. Eto ang nilalaman ng sulat na yun:

Dear Pantot,
    
Nandito pa rin ako sa Israel. Hay grabe, miss na miss na kita, sobra. Gusto ko na ngang lumipad papunta jan eh. Pero pano naman? Eh 2 months pa ako d2. Kung pwede lang mag-time travel, or kung meron lang akong remote control tulad sa "Click", siguradong finast-forward ko na ang buhay ko sa episode na pabalik na ako sa Pinas. Alam mo, narealize ko na ang saya-saya pala talaga ng buhay ko sa Pilipinas. Biruin mo ba naman, paggising ko sa umaga, maliligo, mag-aayos. Pagbaba ko sa kusina, meron pang maghahain ng almusal ko. Meron ding maghahanda ng babaunin ko. Pag-alis ko, ihahatid pa ako ng motor sa kanto kahit na ang lapit lapit lang naman ng sakayan. Hindi ako na-i-stress sa office. Friendster, yahoo mail, multiply.. siguradong hindi ko malilimutang i-check yan. Masaya ako sa mga tasks ko. Mababait ang officemates ko. Pagdating ng gabi, sinusundo mo pa ako sa office at hinahatid sa bahay.

Lagi tayong may date kapag Sabado o Linggo. Mayroon akong sapat na oras para magpahinga at mag-reflect. Lahat ay masaya. Nagkakaroon din ako ng problema paminsan-minsan pero kayang kaya naman lagpasan. Sa dinami-dami ng blessings sa buhay ko, ano pa bang mahihiling ko?

Mas mataas na sweldo? Mas fulfilling na trabaho? Mas maayos na tahanan? Mas magandang bahay? Oo, lahat ng yan ay hiniling ko noong nanjan pa ako. Pero kinailangan pa atang ipadala ako dito, para marealize ko kung gaano na kaganda, kasaya, at puno ng biyaya ang buhay ko.

Nalulungkot ako ngaun. Unang una, dahil malayo ako sa mga mahal ko: sayo, kay mommy, kay nelda, sa family ko, sa mga kaibigan ko, sa officemates ko, at sa libo-libong masasayahing Pinoy sa Pilipinas. Iba pa rin talaga ang Pinas. kahit maraming krisis, kahit may mga insidente ng holdapan, ayus lang. Basta't alam mo kung paano makakaiwas sa ganyang sitwasyon, tuloy ang saya, tuloy ang ligaya. Kahit tambak ang problema, maraming dahilan para ikaw ay tumawa. Makinig ka nga lang sa radyo matatawa ka na. Hindi ba kukurukuku? Likas na masayahin ang mga Pinoy. Ngumiti at siguradong may babalik na ngiti sayo. Eh dito? *Ngumiti ka - dededmahin ka. Mag-thank you ka, parang wala silang narinig.

Haay... miss na miss ko na talaga ang Pinas. Siguro ham kung nandito ka sa tabi ko, mas magaan ang buhay. Pero nanjan ka at nandito ako. Libo-libong milya ang layo natin sa isa't isa. Mayroon pa akong 49 days na bubunuin. (Na sana ay mapaikli). Ngunit ang aking buhay ay hindi natatapos sa pag-alis ko ng Pinas. Life has to go on. At hindi ako pwedeng maging miserable sa buong panahon na nandito ako. I have to change perspectives. Dapat maenjoy ko ang stay ko dito. Dapat maging masaya ako saan man ako naroon. I have to believe that life will be better, that my life here will be great. That I will enjoy my work here. And that I can triumph over all the challenges that I may face here.

Hanggang dito nalang muna ham. Ala-una na d2 ng tanghali at ala-sais na ng gabi jan. Wag ka masyadong malulungkot. Babalik din ako. Konting tiis lang. Excited na ako na sunduin mo sa airport, hehe. I love you ham. Mag-iingat ka palagi. See you soon.

Love,
Pigoink

* Nadiscover ko na meron rin naman palang mababait na locals dito. Mejo brat nga lang ung ibang mga tao sa city(especially sa groceries, ewan ko ba kung bakit sa grocery ako lagi nakakaencounter ng nakakayamot na tao), pero mababait naman ang iba, especially ang mga oldies.

Blog EntryAug 10, '07 4:34 PM
for everyone
Disclaimer: Ipagpaumanhin ang bugso ng aking damdamin. First time kong makaranas ng racial profiling. Hindi ko pa alam sa panahong ito na protocol pala ito kahit sa ibang lugar.

-----------------------------------------

Alam nyo ba kung saan ang lugar na yan? Isa yan sa section sa HongKong Airport kung saan nagsimula ang aming immigration mishaps. Ilang hakbang mula jan ang lugar kung saan kami ininterview ng mga Israeli security control. Eto sample ng mga tanong sa amin: "Why are you going to Israel?", "How long will you be staying there?", "Aside from you, did anyone else help you pack your luggage?", "Did you bring any deadly weapons? Guns? Bullets? Bombs?". O dba parang tanga? Bakit naman kami magdadala ng bomba? At kung magdadala man kami ng bomba, sa palagay ba nila aaminin namin na meron kaming dala? Hallerr! Eniways, ang sabi naman nila, its all part of security
measures. Ok fine, sige na, sige na. Kaso, sana naman may fairness and equality dito. Bakit? E pinoy at chinese lang kaya ang tinatrato nila ng ganun. Yung mga ibang nationalities, nasa separate na pila at pwede pang magsabay-sabay sa interview kung sakaling magkakasama cla. Pero sa pinoy, isa-isa talaga. At eto pa, merong isang Pinay na officer na mukang isda, na syang nag-aassist sa amin, na imbis na maging mabait sa kapwa Pinoy eh pagkasama-sama pa ng ugali. Palibhasa siguro dahil puro OFW ang mga kasabay namin. Nagtatanong kami ng maayos, hindi kami sinasagot ng matino. Ang sarap sapakin.. Ooops, sori, nadadala na ako ng emosyon d2. Akala namin, ok na, tapos na. Pero bago mag-board ng plane, aba, pinapunta kami sa isang section at doon ay hinalukay lahat, AS IN LAHAT, ng carry-on luggage namin. Meron clang pinapahid na cloth sa lahat ng gamit at nilalagay sa machine. Ewan ko kung para saan un. For security purposes, ok fine. Pero again, sa Chinese at Pinoy lang nila ginagawa yon.

Nakikita nyo ba yang 2nd picture? Yan ang passport control section ng airport sa Tel Aviv. Sa kamalas-malasan, napunta pa kami sa consul na saksakan ng bugnutin, pagkabagal-bagal kumilos, at pagkahina-hina umintindi ng English (hindi ako nag-e-exagge). Habang kami na ni Kalai ang iniinterview, nagpatawag sya ng police officer, at pinapunta kami sa isang office, kung saan dumaan na naman kami sa  isa pang interview. Haay naku, hindi na ba matatapos ang mga interview na to? Eniways, ayun, sa wakas, naniwala naman cla na hindi kami terorista at hindi kami mag-t-TNT kaya nirelease na ang passport namin. Nakakalungkot lang dahil sa section na un ay nakapila na naman ang mga Pinoy at Chinese. Hay naku, discrimination ba ito? Pilipino at Chinese lang ba ang may kakayahang maging TNT o terorista?

Nung narelease na nga ang passport namin, nakalabas na kami para makuha ang baggages namin. Aba, ang hirap ng maghanap luggage dahil masyado kaming natagalan sa passport control. Naupdate na ang information screen at hindi na nakadisplay ang flight number ng sinakyan namin. Finally, nakita na namin ung bag namin. Eto ang pinakamasaklap sa lahat, sinira pala nila ang lock ng luggage namin. Pati ung mismong lock ng luggage na may number combination ay sinira nila at hinalughog ang mga gamit sa loob. O dba nakakayamot? Bagong bili pa naman ung luggage ni karla. Buti nalang sira na antimano yung lock ng luggage ko bago pa ako umalis ng bahay, kaya hindi ako ganun ka-affected. At saka mas malala pa ung ngyari dati nung sa Mexico kami, dahil nung time na un, hindi nasira ang bag namin, pero nawala naman ng 5 araw, thanks to Lufthansa airlines. Pero at least ngaun lock lang nasira, hehe. (Lesser evil kumbaga).

Sa tagal namin sa passport control, nakatawag na ng 3 beses sa pulis yung taxi driver na susundo sa amin. Buti nalang hindi sya nawalan ng pag-asa, at hinintay pa rin nya kami.

Oh well, ayan ang mga misadventures namin papuntang Israel. Sana masasayang kwento naman sa mga susunod na araw. Nga pala, ang pangalan ng airline na sinakyan namin papuntang Tel Aviv ay EL AL airlines. Sa mga sasakay doon, expect nyo na ang matinding security control (at scrutiny na rin).